News Releases

English | Tagalog

CocoJul, Kathryn, at James, dinagsa ng mga Kapamilya sa Pampanga

June 30, 2026 AT 06:02 PM

Mga bida ng “Sigabo” at “Someone, Someday,” nagpasalamat sa Kapamilya viewers

 

 

Mas lalong kinasasabikan ang primetime TV kasunod ng premiere ng “Coco Martin’s Sigabo” at nalalapit na pag-ere ng “Someone, Someday,” kaya naman ganun din kainit ang naging pagsalubong ng mga Kapamilya sa mga bida ng dalawang ABS-CBN series sa ginanap na Primetime Bida motorcade noong Linggo (Hunyo 28).

Umapaw ang mainit na pagmamahal ng mga taga-Pampanga matapos dagsain nila ang mga lansangan para batiin ang “Sigabo” stars na sina Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin at Prime Actress na si Julia Montes, at ang mga bida ng “Someone, Someday” na sina Asia’s Superstar Kathryn Bernardo at Multimedia Powerhouse na si James Reid.

Taos-puso namang nagpasalamat si Coco sa walang humpay na suporta at pagmamahal ng Kapamilya at sa pagkakataong muling mabalik ang sigla ng sama-samang panonood ng mga pamilyang Pilipino sa telebisyon tuwing gabi.

“Napakasarap sa pakiramdam naming lahat na muling bumalik ‘yung mga tao sa panonood ng telebisyon. Sana lahat ng mga palabas, teleserye, pelikula, sana panoorin natin lalong-lalo na ‘yung gawang Pilipino kasi para sa ating lahat ito. Ginagawa namin ito para sa inyo, kaya maraming salamat po talaga sa suporta at pagmamahal ninyo,” sabi ni Coco sa naunang “TV Patrol” interview.

Excited naman si Kathryn na pasayahin din ang mga Pilipino para sa nalalapit na premiere ng inaabangang seryeng “Someone, Someday.”

“This is actually our first-ever promo for ‘Someone, Someday.’ Long way to go, but ramdam namin ‘yung init at excitement ng mga tao. Sana napasaya namin kayo ngayong linggo, and we’ll see you soon sa Primetime Bida,” Kathryn shared to ABS-CBN News.

Nagmistulang piyesta ang selebrasyon sa motorcade dahil sa kasiyahan at dumadagundong na hiyawan ng mga Kapamilya,  bata man o matanda, kung saan sinulit nila ang pagkakataong makipagkamay, magpa-picture, at makisayaw sa pangmalakasang song-and-dance number ng cast.

Mas maraming Pilipino na ang makakanood ng “Coco Martin’s Sigabo” sa iba’t ibang platforms kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Malapit na rin mapanood ang “Someone, Someday” sa parehong mga platform, kabilang na rin ang Netflix kung saan una itong mapapanood.

Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

CocoJul, Kathryn, at James, dinagsa ng mga Kapamilya sa Pampanga