News Releases

English | Tagalog

"Tayo Sa Wakas," sisimulan ang international screenings sa iba't ibang panig ng mundo

June 09, 2026 AT 11:09 PM

Mapapanood na sa Australia, New Zealand, US, Canada, Guam, at iba pang lugar

Matapos magtala ng pinakamataas na opening day gross para sa isang local film ngayong 2026, dadalhin ng Star Cinema ang romance drama film na “Tayo Sa Wakas (Us in the End)” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mas maraming manonood sa buong mundo sa pamamagitan ng international screenings nito sa Australia, New Zealand, US, Canada, Guam, Hong Kong, Macau, Taiwan, Malaysia, at Middle East.

Patuloy ang matagumpay na takbo ng pelikula matapos itong kumita ng P70 milyon sa takilya sa unang linggo nito sa mga sinehan. Habang papalapit sa ikatlong linggo ng pagpapalabas sa bansa, mapapanood na ang pelikula sa Australia at New Zealand simula Hunyo 11, kasunod ang screenings sa US, Canada, at Guam sa Hunyo 12. Magbubukas naman ito sa Hong Kong at Macau sa Hunyo 21.

Nakatakda rin ang screenings nito sa Malaysia ngayong Hunyo, Taiwan sa Hulyo 10, at sa Middle East sa mga susunod na buwan.

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, umami ng papuri ang “Tayo Sa Wakas” dahil sa emosyonal at makatotohanang paglalarawan sa pag-ibig, pangarap, at pangalawang pagkakataon.

Sinusundan ng pelikula ang kwento nina Cisco (Donny) at Cheska (Belle), na haharapin ang realidad ng pag-ibig at kanilang mga pangarap. Uumpisahan nila ang isang breakup trip upang pagdesisyunan kung dapat bang bumitaw o ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Bisitahin ang tayosawakas.com at mytfc.com para sa karagdagang detalye at ticket information. Para sa updates, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, YouTube, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 10 PHOTOS FROM THIS ARTICLE