Iikot din sa Cebu, Cavite, Palawan, at Pampanga
Sumiklab ang pagmamahal mula sa libo-libong mga Kapamilya matapos dumugin sina Coco Martin at Julia Montes sa Maynila noong Sabado (Hunyo 6) para sa nationwide motorcade ng inaabangang ABS-CBN primetime serye na “Coco Martin’s Sigabo.”
Umabot ng halos pitong oras ang motorcade matapos dumagsa ang fans, mapa-bata o mga lolo at lola, sa Quiapo, Divisoria, Tondo, at Blumentritt, para salubungin ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco at ang Prime Actress na si Julia.
Napuno ng kasiyahan ang selebrasyon kung saan nakipag-kamay at selfie ang cast sa mga nag-abang na mga Kapamilya, at tumodo rin ang good vibes sa handog na song and dance numbers sa pangunguna ni Coco.
Nakasama rin sa motorcade ang iba pang cast members ng “Sigabo” tulad nina Joey Marquez, Carmi Martin, Chanda Romero, Irma Adlawan, JC De Vera, Richard Quan, Jerald Napoles, at iba pa.
Nakatakdang umikot ang motorcade sa iba pang lugar sa Cebu, Cavite, Palawan, at Pampanga habang inaabangan na ang pagpapalabas ng “Sigabo” simula Hunyo 22.
Una nang ibinahagi ni Coco na tiyak na mae-enjoy ng mga pamilya ang bago niyang handog na serye na kumpleto sa aksyon, kulitan, at kilig.
Tutukan ang mga maaksyong tagpo sa “Coco Martin’s Sigabo” simula Hunyo 22 ng 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






