Awiting tungkol sa pag-ibig na hinahayaan lang dumaloy
Mas pinatingkad ni singer-songwriter Trisha Denise ang pag-ibig na unti-unting nabubuo sa kanyang bagong single na “‘Di Minamadali,” tampok sina Thyro Alfaro at Soc Villanueva.
Isinulat nina Trisha, Thyro, at Soc ang soul-R&B track na tumatalakay sa saya at pananabik ng pagkakaroon ng espesyal na tao habang pinahahalagahan ang bawat yugto ng isang relasyon.
Nagsimulang magsulat ng mga awitin si Trisha sa edad na 11 at kalaunan ay nakagawa ng mga kanta para sa ABS-CBN Music artists gaya nina Regine Velasquez-Alcasid, Pops Fernandez, BINI, BGYO, Belle Mariano, Janella Salvador, at iba pa.
Noong 2021, inilabas niya ang kanyang debut album na “Piece of the Puzzle,” na sinundan ng EP na “Simula ng Wakas.”
Noong nakaraang taon, nakasama niya sina Belle Mariano at Cesca para sa friendship anthem na “Wala? Nandiyan” at inilabas ang “Bakit Naman Hindi?” bilang bahagi ng soundtrack ng “It’s Okay Not to Be Okay.”
Naging bahagi rin si Trisha ng “Panahon” busking tour ni Angela Ken sa SM Southmall na dinagsa ng mahigit isang libong fans.
Napapakinggan ang “‘Di Minamadali” nina Trisha Denise, Thyro Alfaro, at Soc Villanueva sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


