Mapapakinggan na simula Biyernes (Hunyo 26)
Malayang pagpapakatotoo ang mensahe ng bagong kanta ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, na alay niya para sa mga palabang reyna, at mapapakinggan na simula Biyernes (Hunyo 26) sa iba’t ibang music streaming platforms.
Unang ipinarinig ito ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” noong Lunes (Hunyo 15) kung saan ibinida niya ang mga matapang na linya at masayang beat ng kanta para sa pagsisimula ng nagbabalik na pageant segment ng programa na Miss Q&A: Reyna Talak-Era 2026.
Isang selebrasyon ng tapang, kumpiyansa, at walang patumpik-tumpik na pagpapahayag ng sarili ang “Talak” na isinulat mismo ni Vice Ganda katulong sina Chris Lopez at Kiko Salazar.
Sina Chris Lopez at Jonathan Manalo ang nagprodyus ng awitin kasama ang supervising producer at StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.
Mapapakinggan na ang “Talak” ni Vice Ganda sa iba’t ibang streaming platforms simula Biyernes (Hunyo 26). Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pa ng updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, at bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




