
Kapamilya stars, umani ng pagkilala
Patuloy na itinataas ng ABS-CBN ang bandera ng Pilipinas sa global stage matapos makasungkit ang 17 bituin nito ng nominasyon para sa Outstanding Asian Star sa 2026 Seoul International Drama Awards (SDA).
Kabilang sa mga nominado ay sina action stars Bella Padilla at Gerald Anderson para sa “Blood vs. Duty,” fan favorite na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa “The Alibi,” pati na rin sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa “Love Is Never Gone.”
Nakatanggap si Joshua ng isa pang nominasyon para sa kanyang husay sa “It’s Okay to Not Be Okay,” kung saan umani rin ng pagkilala ang kaniyang co-stars na sina Anne Curtis at Carlo Aquino.
Maliban kay Joshua, tumanggap din muli ng nominasyon si Gerald Anderson para sa “Sins of the Father,” pati na rin ang kaniyang co-star na si Shaina Magdayao.
Nominado rin sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo para sa kanilang galing sa “The Silent Noise.”
Kasama rin sa mga nominado ang cast ng mystery series na “What Lies Beneath,” na kinabibilangan nina Charlie Dizon, Kaila Estrada, JM De Guzman, at Jake Cuenca.
Umani rin ng nominasyon ang rising stars ng “Ghosting” na sina Fyang Smith at JM Ibarra.
Kabilang sa mga Kapamilyang pinarangalan ng Outstanding Asian Award ay sina Belle Mariano (2022), Daniel Padilla (2025), Kathryn Bernardo (2023), at Kim Chiu (2024).
Ang Seoul International Drama Awards (SDA) ay binibigyang parangal ang mga huwaran sa telebisyon sa buong mundo. Bukas ang botohan para sa Outstanding Asian Star hanggang 14 Hulyo. Ang magwawagi ay opisyal na paparangalan sa Oktubre sa Seoul, South Korea.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
