Mapapanood sa Prime Video simula Hulyo 3
Hinahandog ng ABS-CBN Studios at Prime Video ang isang suspense thriller series na “The Loyalty Game,” na tumatalakay sa pag-ibig, tiwala, at katapatan, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez at mapapanood sa Prime Video simula Hulyo 3.
Iikot ang kuwento ng “The Loyalty Game” sa mag-asawang sina Ben (Jericho) at Anna (Janine) na lubos na hinahangaan ng kanilang komunidad bilang huwarang mag-asawa. Ngunit sa likod ng kanilang tila perpektong relasyon ay may mga lihim na maaaring sumira sa lahat ng kanilang pinaghirapan.
Nang magsimula si Anna na kutubang may itinatago ang kanyang asawa, nagpasya siya na kumuha ng grupo ng mga loyalty tester upang subukan ang katapatan ang ka. Habang mas lumalalim ang kanyang pagsisiyasat, lalo rin siyang masasadlak sa isang mapanganib na laro kung saan masusubok ang tiwala at may kaakibat na kapalit ang bawat matutuklasan.
Sa media presentation ng serye, ibinahagi ni Jericho Rosales na mas madilim at mas nakakaintriga ang tema ng “The Loyalty Game” kumpara sa kanyang ibang nagawang serye.
“Iba yung tono ng show na ’to. This is darker, this is more intriguing, more captivating in terms of themes. They put fear in front of you that will make you watch it,” aniya.
Samantala, sinabi naman ni Janine Gutierrez na mapapaisip talaga ang viewers dahil misteryong hatid ng kuwento.
“Everything is underneath the surface. Even for us, the answers to the questions are revealed as the story progresses,” aniya.
Inilarawan naman ng creative manager na si Jay Fernando ang “The Loyalty Game” bilang isang proyekto na higit sa isang kabit serye at tumatalakay sa mga tema ng katapatan, katotohanan, at manipulasyon sa relasyon ng henerasyon ngayon na paniguradong makaka-relate ang viewers.
Makakasama nina Jericho at Janine sa serye sina Charlie Dizon,Sofia Andres, Yassi Pressman, Yen Santos, Elisse Joson, Kira Balinger, Maika Rivera, and Carmina Villarroel. Ang serye ay sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Huwag kalimutang i-download ang Prime Video at mag-subscribe sa halagang ₱149 upang mapanood ang “The Loyalty Game,” na tiyak na magpapaisip at magpapakaba sa mga manonood simula Hulyo 3.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


