News Releases

English | Tagalog

Alexa, Gelo, at Baby Dolls, nakisaya sa 'It's Showtime' para sa 'Libreng Manood DITO' ng iWant at DITO Telecommunity

June 24, 2026 AT 03:28 AM

May pa-dance challenge din ang Baby Dolls

Napuno ng saya ang “It’s Showtime” para sa partnership ng iWant at DITO Telecommunity para sa kampanyang “Libreng Manood DITO,” hatid ang libreng panonood ng mga programa at pelikula ng iWant sa DITO app—tampok ang mga performance nina Alexa Ilacad, Gelo Rivera, at Baby Dolls.

Nanguna sa pagpapakilig ang “The Chambermaid’s Daughter” stars na sina Alexa at Gelo sa kanilang duet performance para sa Madlang Pipol. Hindi naman nagpahuli ang trending girl group na Baby Dolls na itinampok ang kanilang #iWantDITODance Challenge jingle sa tono ng kanilang hit single na “Clap Clap Clap Alright!”

Sa partnership ng iWant at DITO, libreng mapapanood ng DITO prepaid subscribers ang iWant sa pamamagitan ng DITO app.

May libreng 1GB/day streaming o katumbas ng dalawang oras ng libreng panonood ang DITO subscribers para mapanood ang mga programa ng iWant sa DITO app (available sa Google Play at Apple App store). Para sa mga non-DITO subscriber, kumuha lang ng DITO Prepaid SIM at i-download ang DITO App para makapanood ng iWant nang libre. Pinduting lang sa app ang DITO Plus icon at i-select ang iWant icon.

Libreng mapapanood ng DITO subscribers ang hit Kapamilya shows tulad ng “It’s Showtime,” “TV Patrol,” and teleseryes “Coco Martin’s Sigabo,” “Blood vs Duty,” “The Alibi: Ang Huling Katotohanan,” at ang GMA-collab series na “Secrets of Hotel 88.”

Mapapanood din nang libre ng BLOOMs ang BINI specials na “BINI Docuseries,” “BINI World Tour Series,” “BINI Walo Hanggang Disyerto,” at ang reality songwriting competition “BINIverse and Chorus” sa DITO app.

Tampok din ang libreng pagpapalabas ng iWant originals na ipinalabas hanggang 2025, tulad ng “Ghosting,” “AFAM Wives Club,” “Love at First Spike,” “Benta Nights,” “He’s Into Her,” at iba pa, pati ang box-office hits na “The Hows of Us,” “Hello, Love, Goodbye,” “One More Chance,” at “Four Sisters and a Wedding.”

Para sa iba pang updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

Alexa, Gelo, at Baby Dolls, nakisaya sa 'It's Showtime' para sa 'Libreng Manood DITO' ng iWant at DITO Telecommunity