Richard at Gerald, magtutulungan sa pinakabagong yugto ng serye
Mula sa pagiging tanyag na host ng “Batibot” at “Epol/Apple” hanggang sa pagiging kinasusuklaman na kontrabida ngayon, nagpapabilib si Bodjie Pascua sa mga manonood bilang mastermind sa planong destabilisasyon laban sa gobyerno sa primetime series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty,” na napapanood na sa bago nitong oras na 8:45 pm.
Unti-unti nang lumalabas ang tunay na ambisyon ng retired general na si Manuel Carillo (Bodjie) na maghasik ng lagim sa seryeng pinagbibidahan nina Richard Gutierrez (Marcus), Gerald Anderson (Jalil), at Bela Padilla (Lara).
Samu’t sarong galit din mula sa netizens ang nakukuha ni General Carillo bilang totoong boss ni Felix (Baron Geisler) at ama sa kanyang ampon na si Lara na tila tuliro ngayon sa mga plano ng dating heneral.
Habang tumitindi ang paghihinala nina Jalil (Gerald) at Marcus (Richard) sa papel ni General Carillo, matuloy pa kaya ang kaguluhang gusto niyang ipalaganap sa pagdating ng Japanese investors? O mapiligan kaya ito ang Task Force Alpha sa pagtutulungan ngayon nina Jalil at Marcus?
Abangan ang “Blood vs Duty” sa bago nitong time slot na 8:45 pm Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
