News Releases

English | Tagalog

iWant at DITO, hatid ang libreng panonood ng Pinoy serye at pelikula sa mas maraming manonood sa bansa

June 10, 2026 AT 07:38 PM

Libre ang panonood ng iWant gamit free data via DITO app

Mas maraming Pinoy mula Luzon, Visayas, at Mindanao ang makapanonood ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels mula sa iWant matapos makipagsunduan ang Kapamilya streaming platform sa major telco provider na DITO Telecommunity.

Dahil dito, libreng mapapanood ang mga programa ng iWant sa official DITO app.

May libreng 1GB/day streaming ang DITO subscribers para libreng mapanood ang mga programa ng iWant sa DITO app (available sa Google Play at Apple App store). Para sa mga non-DITO subscriber, kumuha lang ng DITO Prepaid SIM at i-download ang DITO App para makapanood ng iWant nang libre. Pinduting lang sa app ang DITO Plus icon at i-select ang iWant icon.

Libreng mapapanood ng DITO subscribers ang mga programa ng ABS-CBN, gaya ng “It’s Showtime” at “TV Patrol,” pati ang mga serye nitong “Blood vs Duty,” “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” at ang ABS-CBN Studios/GMA Network collaboration series na “The Secrets of Hotel 88.” Abangan din sa iWant via DITO app ang libreng panonood ng panibagong serye nina Coco Martin at Julia Montes na “Sigabo.”

Mapapanood din nang libre ang mga classic Kapamilya serye na “Be Careful with My Heart” at “FPJ’s Ang Probinsyano,” pati ilan sa kinagiliwang box-office hits tulad ng “The Hows of Us,” “Hello, Love, Goodbye,” “One More Chance,” at “Four Sisters and a Wedding.” Dama rin ang BINI fever dahil mapapanood nang libre ang specials na “BINI Docuseries,” “BINI World Tour Series,” “BINI Walo Hanggang Disyerto” at ang reality songwriting competition nilang “BINIVerse and Chorus.”

Tampok din ang libreng pagpapalabas ng iWant originals na ipinalabas hanggang 2025, tulad ng “Ghosting,” “AFAM Wives Club,” “Love at First Spike,” “Benta Nights,” “He’s Into Her,” at iba pa.

Pinangunahan nina ABS-CBN Digital head Jamie Lopez, head of iWant Jolly P. Estaris, at ABS-CBN Consumer Sales head Abigail Ng Sy, kasama ang DITO officials na sina chief revenue officer Atty. Adel Tamano, deputy chief revenue officer Miriam Choa, at OTT Product and Digital Partnerships head Clarissa Mendoza ang naganap na contract signing nitong Hunyo 4 (Huwebes).

Para sa iba pang updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

iWant at DITO, hatid ang libreng panonood ng Pinoy serye at pelikula sa mas maraming manonood sa bansa