News Releases

English | Tagalog

Bamboo, Kapamilya love teams, at BINI, pupunuin ng saya at kulitan ang “ASAP XP” ngayong Linggo

June 11, 2026 AT 08:11 PM

Umaapaw na kilig at kasiyahan ang mararamdaman ng fans sa “ASAP XP” sa hatid nitong bonggang performances at surprises, sa pangunguna ni Bamboo,  Kapamilya love teams na sina Kyle Echarri at Kai Montinola, Gelo Rivera at Alexa Ilacad, JM Ibarra at Fyang Smith, at Seth Fedalin at Francine Diaz, at BINI ngayong Linggo (Hunyo 14), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at iWant.

Kamangha-manghang sorpresa ang pasabog ng collaboration nina Bamboo at Sofronio. 

Handang-handang bumida sa kilig ang pangmalakasang duet nina Kyle at Kai, Gelo at Alexa, JM at Fyang, at Seth at Francine, kasama ang G-Force.

Hindi dapat palampasin ng Blooms ang hinandang bonggang performance ng BINI.

Mas lalo pang sasabog ang kasiyahan sa handog na kantahan at sayawan nina Darren at Kyle, kasama ang G-Force.

Sunod-sunod na pakulo rin ang dala nina Maymay Entrata, Jane De Leon, Francine, Fyang, AC Bonifacio, at Gela Atayde, kasama ang G-Force.

Magpapakitang-gilas din ng biritan sina Gary Valenciano, Carmelle Collado, at Elha Nympha. Kasunod nito ang kamangha-manghang solo ni Erik Santos sa pagkanta niya ng kanyang single na “Love Will Lead You Back.”

Maki-giling naman sa nag-uumapaw na energy ng sayawan na dala nina AC, Gela, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, at Jane, kasama ang G-Force. Samantala, makikulitan at kantahan din sa solo number ni Martin Nievera.

Tuloy-tuloy na kasiyahan pa rin ang dapat tutukan sa finale number nina  Martin, Gary, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik, Angeline Quinto, Robi Domingo, Darren, Maymay, Kyle, Alexa, Kyla, Klarisse De Guman, Jason Dy, Jona, Sofronio, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Esang De Torres, Elha, Kai, KD Estrada, Jarren, AC, Carmelle, BINI, Fyang, JM, Francine, Seth, Jane, Jeremy, Gela, Jameson, BGYO, DNA, Bamboo, Maki, Jed Madela, JM Yosures, Reiven Umali, Khimo Gumatay, at Marko Rudio.

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE