News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, inilabas na ang poster, theme song ng "Coco Martin's Sigabo"

June 04, 2026 AT 04:53 PM

CocoJul, handog ang aksyon at kilig!

Todo-todo na ang excitement ng mga manonood para sa ABS-CBN primetime teleseryeng “Coco Martin’s Sigabo” matapos ilabas ang official poster at theme song nito.

 

Tampok sa poster ang maangas at nakakakilig na tambalan nina Coco Martin at Julia Montes kung saan astig ang kanilang pormahan at pareho silang may hawak na baril. Mula sa konsepto ni Coco ang poster at si Jun De Leon ang nagsilbing photographer.

 

“Happy ako na magkasama kami ni Julia sa poster. Nandun lahat ng elements – ‘yung action, romance, tapos makikita mo ‘yung komunidad na gagalawan ng kwento,” kwento ni Coco sa interview ng “TV Patrol.”

 

Inilabas din ng CCM Film Productions ang behind-the-scenes pasilip sa photoshoot ng CocoJul tampok ang iba’t iba nilang looks na may halong aksyon at pamatay na kilig na dapat ding abangan sa serye. 

 

Nagpatikim din si Coco sa official theme song ng “Sigabo” na inilabas online na siya mismo ang nagsulat habang si Yeng Constantino ang kumanta. 

 

Tutukan ang mga maaksyong tagpo sa “Coco Martin’s Sigabo” simula Hunyo 22 ng 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

ABS-CBN, inilabas na ang poster, theme song ng "Coco Martin's Sigabo"