News Releases

English | Tagalog

Takutan at katatawanan, hatid ng bagong iWant original na "Nurse the Dead"

June 11, 2026 AT 04:00 PM

Mapapanood na ngayong Hunyo 12 sa iWant

Halong horror at komedya ang hatid ng bagong supernatural comedy series ng iWant, the home of Filipino stories, na “Nurse the Dead” na mapapanood ngayong Hunyo 12 (Biyernes)—tampok ang Fil-Am star na si Jelynn Sophia Malone, kasama sina Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes, at Tootsie Guevara.

Ito ang kauna-unahang Pinoy show na ipinorodyus at kinunan pa sa Hollywood na isinulat at idinirek din ng award-winning Fil-Am filmmaker na si Mark Labella.

Iikot ang supernatural comedy sa karakter ni Noa Reyes (Jelynn), isang Pinay nurse na may kakaibang abilidad na makasalamuha ang mga patay na umaaligid sa kanilang ospital.

Bukod sa tema nitong may halong komedya at kababalaghan, bibigyang-diin din ng bagong iWant original ang dedikasyon ng Pinoy nurses abroad, na ang kwento ay hango rin mula sa totoong buhay ng ina ng show creator na naghahanap-buhay bilang nurse sa US.

Libreng mapapanood ang unang episode ng “Nurse the Dead” ngayong June 12, Araw ng Kalayaan, sa iWant. Mapapanood naman ang mga susunod nitong episode tuwing Biyernes via subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.