News Releases

English | Tagalog

"Ano Ba 'Yan, P*nyeta," hirit ni John Arcilla sa kanyang kaarawan

June 25, 2026 AT 07:10 PM

Unang sabak niya sa pag-awit ng blues  

Naglabas ang multi-awarded Kapamilya actor na si John Arcilla ng kanta na pinamagatang “Ano Ba ‘Yan, P*nyeta” sa pagdiriwang ng kaarawan niya nitong Hunyo 24.

Isinulat niya ang latest Star Music release noong Marso 2025 sa pagnanais na magpagaan ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng ingay sa paligid.

“Ang daming nagagalit na tao sa mga nangyayari sa paligid natin. Kailangan natin ng isang kanta na may catharsis, yung mailabas ng tao yung sama niya ng loob,” kwento ng bida ng “Heneral Luna” kung saan naging tanyag ang salitang ‘p*nyeta.”

Ibinahagi rin niya ang kanyang hilig sa pamamagitan ng kanta.

Aniya, “Masyado na tayong maingay bilang isang bansa pero ‘di tayo nagkakasundo. Parang kailangan natin ng release para mabawasan man lang ‘yon, and then sana makinig tayo sa isa’t isa.”

Ito ang unang pagkakataon ni John na kumanta ng blues.

“No’ng isinulat ko ito, ini-expect ko isa siyang ballad o love song na may konting suntok. No’ng dumating sa akin yung study, blues! ‘Di ako kumakanta ng blues, I was so excited. Ang ganda!” sabi ng batikang TV at stage actor na karaniwang umaawit ng ballad, rock, at opera songs.

Kasabay ng paglunsad ng kanta, inilabas na rin ang music video ng “Ano Ba ‘Yan, P*nyeta” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Kasama rito ni John ang content creator na si Christian Antolin at Kapamilya stars na sina Jeremiah Lisbo at Karina Bautista.

Napapakinggan na ang “Ano Ba ‘Yan, P*nyeta” sa iba’t ibang music streaming platforms.  Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa  Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE