News Releases

English | Tagalog

Coco at Julia, magdadala ng kilig at saya sa Pampanga motorcade ngayong Hunyo 28

June 25, 2026 AT 10:59 PM

Abangan ang kanilang pag-ikot kasama ang “Sigabo” cast

 

 

Isang masaya at mala-piyestang Linggo ang sasalubong sa mga Kapamilya kasama ang cast ng hit ABS-CBN action series na “Coco Martin’s Sigabo” para sa Pampanga “Sigabo” motorcade na gaganapin ngayong Hunyo 28 (Linggo). 

Pangungunahan ng Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin at Prime Actress Julia Montes ang pag-iikot ng “Sigabo” cast sa motorcade na magsisimula sa San Fernando, Pampanga ng 4 PM.

Isa ang Pampanga sa mga lugar na kasama sa “Sigabo” nationwide motorcade matapos ang naging pagbisita ng cast kamakailan sa Manila, Cebu, Cavite, at Palawan, kung saan walang humpay na hiyawan ang sumalubong kina Coco at Julia sa mga kalyeng punong-puno ng mga Kapamilya na iisa lang ang sigaw – “Sigabo!”

Buhay na buhay nga ang telebisyon sa pagbabalik ni Coco matapos subaybayan ng mga pamilyang Pilipino ang premiere nito noong Hunyo 22. Nagtala rin ito ng higit sa tig-400,000 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa YouTube para sa unang dalawang episode ng serye.

Maki-join na sa saya at good vibes at abangan ang cast ng “Coco Martin’s Sigabo” sa kanilang Pampanga motorcade ngayong Hunyo 28 (Linggo).

Mas maraming Pilipino na ang makakanood ng “Coco Martin’s Sigabo” sa iba’t ibang platforms kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “Coco Martin’s Sigabo,” bisitahin ang sigabo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Coco at Julia, magdadala ng kilig at saya sa Pampanga motorcade ngayong Hunyo 28