News Releases

English | Tagalog

BGYO, ibibida ang modern love sa bagong EP na "On Demand"

June 05, 2026 AT 09:25 PM

Magpapabilib sa “On Demand” EP launch na gaganapin sa Sabado

Sisimulan ng BGYO ang kanilang bagong era hatid ang extended play (EP) na “On Demand” na tungkol sa saya at kalayaan ng modern love matapos magpasiklab sa D.U.N.K. Music Festival 2026 sa Japan.

“In this EP, we transition to themes of modern love – carefree, fun using the concept of new media like streaming, internet, video. Why new media? We want to be with you, our fans, in everything that you do through our music. Just like new media, it’s ever-present and heavily incorporated into all of our lives,” saad ng BGYO.

 

Mas lalong ipinakita ng grupo ang kanilang musical growth sa pamamagitan ng halo-halong tunog ng pop, R&B, at hip-hop sa pitong tracks na bumubuo sa EP na “Fresh,” “Forever Tonight,” “Sinta,” “Mean Girl,” “Life’s Too Short,” “Raindrop,” at “Trono.”

“We’ve really found the perfect sound for us, something so undeniably BGYO. The EP is perfect for late-night vibing or early morning feel-good soundtrips,” pahayag ng grupo.

 

Sa key track na “Forever Tonight,” ibinahagi ng grupo ang pagnanais na mas mapahaba pa ang espesyal na sandali kasama ang minamahal. Isinulat ito ng BGYO members na sina Mikki at Nate kasama ang global songwriters na sina GG Ramirez, Dan Henig, Aaron Paris, at Pontus Kalm na nakapag-compose para sa Korean artists tulad ng BTS, Blackpink, at  Twice.

Ipagdiriwang ng BGYO ang bagong musika sa kanilang “On Demand” EP launch na gaganapin sa SM Mall of Asia Music Hall sa Sabado (Hunyo 6), kung saan mapapanood nang live ng fans ang mga kanta mula sa EP. Libre ang event at maaaring mag-register sa SM Malls Online app.

Napapakinggan ang “On Demand” EP ng BGYO sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa BGYO Official YouTube channel. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE