Napapanood sa ABS-CBN YouTube
Patuloy ang walang prenong chikahan sa bagong online podcast ng ABS-CBN na “Hot Takes,” kung saan ibinahagi ni Star Music artist at “The Secrets of Hotel 88” Kapuso star na si Mika Salamanca ang kanyang opinyon tungkol sa mainit na usapin sa showbiz.
Ibinahagi ni Mika sa bagong episode ng podcast, na napapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang media at entertainment channel na may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia, ang kanyang reaksyon tungkol sa bashers at ang mga negatibong opinyon ng netizens online.
“Naniniwala ako na ang basher hindi lang mga taong hindi mo kilala, minsan mga taong nasa tabi mo gumagawa ng account laban sayo. Hindi mo kailangan hubaran ‘yung sarili mo para makilala ka ng ibang tao,” chika ni Mika.
Patok sa viewers ang online podcast kung saan humakot na ito ng milyun-milyong views para sa mga nakaraan nitong episode, tampok ang prangkahang opinyon sa mga showbiz isyu ng mga celebrity at kilalang personalidad tulad nina former “Pinoy Big Brother Gen 11” housemates JM Ibarra, Fyang Smith, at Kai Montinola, at “The Alibi” star Sofia Andres.
Pinangungunahan ito ng hosts na sina PUSH editor-in-chief Gary Ann Lastrilla at digital head of social media for publishing Krish Ramos.
Abangan ang iba pang guests na makikisaya sa mainit na chikahan sa “Hot Takes” tuwing Huwebes ng 9 AM sa ABS-CBN Entertainment YouTube at sa ABS-CBN Facebook page.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


