Makisaya at maki-party sa pangmalakasang selebrasyon sa “ASAP XP” sa Victorias City, Negros Occidental, sa pangunguna nina Regine Velasquez at Kapamilya love teams na sina JM Ibarra at Fyang Smith, Kai Montinola at Jarren Garcia, Gelo Rivera at Alexa Ilacad, at Francine Diaz at Seth Fedalin ngayong Linggo (June 28), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.
Mapapabilib ang fans sa bonggang biritan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Tiyak na kikiligin naman ang manonood sa performance ng Kapamilya love teams na sina JM at Fyang, Kai at Jarren, Gelo at Alexa, at Francine at Seth.
Abangan ang pasabog na opening number nina Darren, Brent Manalo, Ralph De Leon, River Joseph, BGYO Gelo, Nate Porcalla, at Mikki Claver, AC Bonifacio, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Seth, JM, at Jarren, kasama ang G-Force.
Samahan si Ogie Alcasid sa pagkanta niya ng kanyang hit songs kasama sina Martin Nievera, Khimo Gumatay, Reiven Umali, JM Yosures, at Marko Rudio.
Hindi rin dapat palampasin ang world-class kantahan mula sa mga bigating champion na sina Regine, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Reiven, JM, Marko, Khimo, Jason Dy, Jona, at Klarisse De Guzman.
Tuloy-tuloy na kasiyahan ang matutunghayan sa finale number mula kina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa Padilla, Erik, Angeline, Darren, Alexa, Lani Misalucha, Jolina Magdangal, Klarisse, Jona, Kason, Reiven, JM, Marko, Khimo, Kai, Carmelle Collado, Esang De Torres, Elha Nympha, BGYO Gelo, Mikki, at Nate, Brent, Ralph, River, AC, Jameson, Jeremy, Jarren, Francine, Seth, JM, Fyang, Bianca De Vera, Kolette Madelo, at Jane De Leon.
Magsisilbing host ngayong Linggo sina Martin, Ogie, Alexa, Francine, at Seth.
Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom


