Mas maraming manonood ang maaabot ng “Coco Martin’s Sigabo” at “Face to Face with Ate Koring” sa TV, digital, at streaming platforms ngayong buwan dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang media companies at platforms para makapaghatid ng mga programa sa mas maraming Pilipino.
Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa pagkakataong makatrabaho ang ALLTV, A2Z, GMA, TV5, YouTube, Facebook, Netflix, Prime Video, at Viu upang maihatid sa mga manonood ang mga programang kanilang sinusubaybayan na nagbibigay saya at impormasyon.
Sa panahon na humaharap ang media companies sa mga pagsubok at pagbabago ng viewing habits at preferences, ang kolaborasyon ng industry players ay mahalaga para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagandang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives.
Patuloy ang ABS-CBN sa misyon na maglingkod sa mga manonood sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay inspirasyon, impormasyon, at saya. Nagpapasalamat kami sa partners sa kanilang pakikipagtulungan at sa aming mga manonood sa kanilang patuloy na suporta.


