Mapapanood na lahat ng episodes sa iWant
Mainit na mainit ang pagtanggap sa bagong iWant vertical drama na “Twist of Fate” nina Rafael Rosell, Tony Labrusca, Angelica Lao, and Yen Santos nang humakot ito ng mahigit 18.6 milyong views sa social media at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Pumatok din ang nagbabaga nitong love scenes, nakagigigil na komprontasyon, at pasabog na plot twist nang masama ang short drama sa most-watched charts ng iWant magmula noong premiere nito noong Mayo 30.
Sa direksyon ni Andoy Ranay, sesentro ang istorya sa mabuting misis na si Ginny (Yen) na masasagad sa pangaabuso ng kanyang asawang si Sam (Rafael), na aabot sa sukdulan nang magtaksil para sa kanyang kalaguyong si Clarissa (Angelica). Kinalaunan ay magiging mapangahas si Ginny para maghiganti sa kanila, katuwang ang kanyang dating kasintahan na si Donny (Tony) na asawa rin ni Clarissa. Sa gitna ng kanilang mga plano, muli nilang maibabalik ang tamis ng kanilang pag-ibig.
Pakatutukan ang nagbabagang vertical drama serye na “Twist of Fate” sa iWant. Libreng mapapanood ang first five episodes nito sa iWant Facebook, TikTok, at YouTube page, pati sa ABS-CBN Entertainment TikTok at YouTube account.
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 28 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

