News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, may bagong primetime lineup simula Hulyo 27

July 20, 2026 AT 10:16 PM

Panoorin sa ALLTV2, TV5, A2Z, at Kapamilya Channel

 

Mas maraming Pilipino ang makakapanood ng local entertainment shows dahil inanunsyo ng ABS-CBN ang bago nitong primetime lineup na mapapanood sa iba’t ibang platform simula Hulyo 27. 

 

Pangungunahan ito ng patok na action-romance drama na “Coco Martin’s Sigabo” ng 8 PM, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes. 

 

Susundan ito ng inaabangang pagbabalik-teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador sa “Someone, Someday” ng 8:45 PM.

 

Mapapanood naman ng 9:30 PM ang romantic-thriller ng TV5 na “A Secret in Prague” na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

 

Samantala, mapapanood na rin ng Kapamilya viewers ang book two ng inspirational drama ng TV5 na “My Bespren Emman,” na pinangungunahan nina JM De Guzman at Shaina Magdayao, tuwing hapon mula Lunes hanggang Sabado ng 2:30 PM.

 

Masusubaybayan ang tatlong primetime shows at ang “My Bespren Emman” sa iba’t ibang platforms sa pamamagitan ng ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWant, at TFC. 

 

Sa panahon ng pagbabago ng viewing habits, ang kolaborasyon ng industry players ay mahalaga para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagandang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives. 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE