Gerald namatayan ng ama; Richard aarestuhin ang kapatid
Ang masakit na pagkamatay ni Datu Rahman, na ginampanan ni Jaime Fabregas, ang bubungad sa hit primetime series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty” sa pagpasok nito sa huling linggo.
Tampok noong Biyernes (Hulyo 17) sa seryeng pinagbibidahan nina Richard Gutierrez (Marcus) at Gerald Anderson (Jalil) ang pagbaril ng karakter ni Baron Geisler (Felix) kay Datu Rahman, na minahal ng mga manonood dahil sa pagiging matapang na lider ng komunidad at mapagmahal na ama.
Para sa beteranong aktor na si Jaime, maswerte aniya siya na maging bahagi ng serye at magampanan ang papel ng isang Muslim sa unang pagkakataon.
“Ako po ay isa sa mga maswerte dahil sa edad ko pong ito ay nakakapagtrabaho pa ako kahit na papaano. Yes, I will miss working,” pagbabahagi ni Jaime na nagsilbing ama nina Jalil (Gerald) at Jamilah (Barbie Imperial) sa serye.
“Ito yung first time na pumapel ako ng isang Muslim, so pwede ko nang sabihin na marami na talaga akong nagawa,” dagdag pa niya.
Habang nagluluksa si Jalil sa pagkamatay ni Datu Rahman, naghahanda naman si Marcus (Richard) para arestuhin siya—habang lingid pa rin sa kaalaman niya na si Jalil ang kapatid na akala niya ay namatay sa pinasabog na barko.
Unang ipinalabas ang serye sa primetime noong Abril 6 at mula noon ay nakapaghatid ng nakapupukaw na kwento ng pamilya, destabilisasyon sa gobyerno, at lakas ng isang nagkakaisang komunidad.
Sa pagtatapos ng “Blood vs Duty,” naghandog ang cast nito ng thanksgiving show sa Festive Walk Mall Iloilo noong Biyernes (Hulyo 17) kasama sina Ejay Falcon, River Joseph, Kolette Madelo, at Gerald.
Huwag palampasin ang huling linggo ng “Blood vs Duty,” Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8:45pm.
Pinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

