Empowered at puno ng confidence sa unang album
Naglabas na ng kanilang self-titled debut album sa ilalim ng StarPop ang promising Kapamilya P-pop group na DNA.
Ibinida ng magkakapatid na Julia, Tasha, at Ezri Mitra sa album ang karanasan at emosyon ng kabataan—mula sa tiwala sa sarili, pagkakaibigan, at pag-ibig hanggang sa pagbangon mula sa mga pagsubok.
“DNA as an album, you’ll see there’s a lot of variety in it. It’s us just exploring and experimenting to find what our sound is. It’s something everyone can relate to because everyone has a time in their life when they’re still figuring themselves out,” saad ng grupo sa naganap na album showcase.
Kabilang sa walong kanta ng album ang “DNA,” “Don’t Ask Me Why,” “Spider,” “Speeding Tickets,” “Lessons,” “BINGO,” “Glow-Up Diary,” at “Gala To The Max.” Naging bahagi rin sina Julia, Tasha, at Ezri sa pag-conceptualize at pagsulat ng mga kanta habang nagsilbing producer ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa awiting “Glow Up Diary.”
Tampok bilang key track ang “Spider,” na tumatalakay sa pagharap sa anxiety at pagkakaroon ng pag-asa sa gitna ng madidilim na bahagi ng buhay. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at isinulat niya kasama si Robert Pereña.
Unang nakilala ang DNA noong nakaraang taon sa kanilang empowering anthem na “Don’t Ask Me Why,” na mayroong mahigit 100,000 streams sa Spotify at naging bahagi rin ng iWant original series na “Miss Behave.”
Sinundan nila ito ng feel-good single na “BINGO” at inawit ang official summer anthem ng SM Supermalls na “Gala To The Max.”
Napapakinggan na ang self-titled debut album ng DNA sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang DNA sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.






