News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda at Vic Sotto, sanib-pwersa para sa pelikulang “The Greatest Showdown”

July 06, 2026 AT 07:35 PM

Abangan ngayong 2026 sa direksyon ni Jun Robles Lana

 

 

Magsasama sa unang pagkakataon sa isang pelikula sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa “The Greatest Showdown,” mula sa direksyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026. 

Mainit ang naging pagtanggap ng fans sa pagsasanib-pwersa ng dalawang box office stars matapos i-anunsyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.

“Kailangan namin magsanib-pwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.

Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”

Ang “The Greatest Showdown” ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

Para sa updates, sundan ang Star Cinema sa Facebook, X (formerly Twitter),Instagram, YouTube, at TikTok. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Vice Ganda at Vic Sotto, sanib-pwersa para sa pelikulang “The Greatest Showdown”