OST tungkol sa pag-ibig na nababalot ng mga lihim
Mas pinatindi ng rising singer-songwriter na si Angia Laurel ang emosyon at misteryo ng ABS-CBN suspense-thriller series na “The Loyalty Game” sa pamamagitan ng official soundtrack nito na “Hidden.”
Tungkol ang alternative rock song sa sakit ng pagmamahal sa taong puno ng lihim at kasinungalingan. Isinulat at iprinodyus ang awitin ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo.
Nakilala si Angia Laurel nang mapabilang ang kanyang awiting “Back Again” sa soundtrack ng “High Street.” Naglabas siya ng reimagined version nito kasama si Moophs sa ilalim ng Tarsier Records, na sinundan ng ikalawang single na “Talon.”
Bukod sa musika, aktibo rin ang 23-anyos na singer-songwriter sa teatro at makeup artistry, na lalo pang humuhubog sa kanyang talento at visual storytelling.
Samantala, pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang “The Loyalty Game,” na umiikot sa kuwento nina Ben at Anna, isang power couple na unti-unting nasasangkot sa mundo ng mga lihim, pagtataksil, at kasinungalingan na susubok sa kanilang pagmamahalan. Napapanood nang eksklusibo ang serye sa Prime Video.
Napapakinggan na ang “Hidden” ni Angia sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube.
Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


