News Releases

English | Tagalog

"Someone, Someday," pasok sa most-watched shows sa Netflix Philippines, Singapore, at Malaysia

July 28, 2026 AT 08:58 PM

Pagbabalik-primetime nina Kathryn, James, at Maja, pinuri!

Mainit ang naging pagsalubong ng mga manonood sa comeback teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador matapos mag-premiere ang “Someone, Someday” bilang most-watched show sa Netflix Philippines sa loob lamang ng 12 oras. Pasok din ang serye sa listahan ng Top 10 most-watched shows sa Singapore at Malaysia.

Inabangan din ng mga Kapamilya ang TV premiere ng primetime serye noong Lunes (Hulyo 27) na nakapagtala ng 334,170 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa YouTube.

Nakakuha rin ito ng iba’t ibang trending topics sa X matapos puriin ng mga manonood ang “refreshing” na kwento na handog ng serye.

Ipinakilala sa pilot episode ang matibay na samahan ng mag-BFF na sina Billy (Kathryn) at Jordan (James) lalo na noong palakasin ni Jordan ang loob ni Billy nang iwanan siya sa altar ng kanyang fiancé (JC De Vera).

Ibinida rin sa episode ang pagiging mapagmahal na ate ni Billy na handang gawin ang lahat para sa kanyang kapatid na si Oliver (Migz Casimiro) na may sakit na diabetes. Kaabang-abang din ang mga susunod na episode sa pagpasok ng misteryosong karakter ni Maja. 

Subaybayan ang “Someone, Someday” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.

Para makakuha ng updates sa “Someone, Someday,” bisitahin ang someonesomeday.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"Someone, Someday," pasok sa most-watched shows sa Netflix Philippines, Singapore, at Malaysia