News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nagkamit ng apat na nominasyon sa ContentAsia Awards 2026

July 29, 2026 AT 08:32 PM

ABS-CBN nabbed four nominations at ContentAsia Awards 2026 for its stellar programs, film, and stars.

Angelica Panganiban, nominado para sa “The Silent Noise”

Nakasungkit ng apat na nominasyon ang ABS-CBN sa ContentAsia Awards 2026 para sa mga natatanging programa, pelikula, at bituin nito.

Nominado ang drama-comedy nina Vice Ganda at Nadine Lustre na “Call Me Mother” sa kategoryang Best Feature Film or Telemovie Made in Asia.

Pasok naman sa Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia ang “It’s Okay to Not Be Okay,” ang Philippine adaptation ng hit romantic mystery series na pinagbidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.

Nominado rin ang action-packed primetime hit na “Incognito” para sa Best Drama Series Made in Asia for a Single Asian Market para sa kapana-panabik nitong kuwento at mahusay na ensemble cast.

Nakakuha rin ng nominasyon si Angelica Panganiban para sa Best Female Lead in a TV Programme/Series Made in Asia para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Jackie Carpio sa “The Silent Noise.”

Kinikilala ng ContentAsia Awards ang mga natatanging programa, pelikula, at personalidad sa industriya ng midya. Ihahayag ang mga magwawagi sa Agosto 26.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

ABS-CBN, nagkamit ng apat na nominasyon sa ContentAsia Awards 2026