BINI, Maki, at Vice Ganda, kinilala sa larangan ng musika
Nagkamit ng mga parangal ang ABS-CBN Music, kabilang ang hitmakers nitong sina BINI, Maki, at Vice Ganda, sa ginanap na 17th PMPC Star Awards for Music na inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC).
Matapos ang matagumpay na Manila leg ng kanilang “BINI Signals World Tour” concert, kinilala ang nation’s girl group na BINI sa Dance Recording of the Year category para sa kanilang hit song na “Salamin, Salamin.” Naiuwi rin nila ang Pop Album of the Year para sa “Talaarawan.”
Nasungkit naman ni Maki ang Song of the Year at Male Pop Artist of the Year para sa hit song niyang “Dilaw.”
Wagi rin si Vice Ganda ng Christmas Song of the Year para sa “Rainbow Christmas,” na kanyang isinulat kasama sina Jonathan Manalo, Roque “Rox” Santos, at Jeremy Glinoga.
Samantala, napanalunan nina Jamie Rivera at ng grupong 92 AD ang Inspirational Song of the Year para sa “Ningas ng Pag-asa.”
Nagwagi rin si Angela Ken bilang Female Acoustic Artist of the Year para sa kanyang kantang “Kulimlim.”
Itinanghal namang New Male Recording Artist of the Year si Dwayne Garcia para sa “Taym Perst Muna,” habang naiuwi naman ng Five Fingers ang New Male Group Artist of the Year para sa kanilang awiting “Lakas Mo.”
Pinaparangalan ng 17th PMPC Star Awards for Music ang mga huwarang music professionals na may mahalagang ambag sa industriya ng musika sa Pilipinas.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
