News Releases

English | Tagalog

"Someone, Someday" trailer, inilabas na tampok sina Kathryn at James kasama si Maja

July 08, 2026 AT 08:03 PM

Mapapanood ang serye simula Hulyo 27 ng 8:45 PM

 

 

Masisilayan na ng fans ang first full look sa inaabangang primetime series nina Kathryn Bernardo at James Reid kasama si Maja Salvador na “Someone, Someday” matapos ilabas ng ABS-CBN ang official trailer ngayong Miyerkules (Hulyo 8).

 

Mapapanood ang modern, feel-good, at progressive series with a heart simula Hulyo 27 ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube. Una itong mapapanood sa Netflix sa Hulyo 24 at sa iWant sa Hulyo 25, at magiging available rin ito sa TFC.

 

Ipinakita sa trailer ang kwento ni Billy (Kathryn) isang babaeng nagpupursigi para sa kanyang pamilya, bilang boss ng sarili niyang kumpanya, at may matinding malasakit din para sa ikabubuti ng mga kababaihan. 

 

Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na Love List, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalong-lalo na para sa kapatid niyang si Oliver (Migs Casimiro) na mag-isa niyang pinalaki.

 

Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na noong pumasok sa buhay niya si Abby (Maja), isang misteryosong babae na tila may kahinahinalang motibo.

 

Patuloy na kinasasabikan ang nalalapit na premiere ng serye matapos ilabas ng Dreamscape Entertainment ang unang concept photos tampok sina Kathryn, James, at Maja.

 

Ang “Someone, Someday” ay mula sa direksyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at kasama si Migz Casimiro.

 

Napapanood ang official trailer sa social media accounts ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. 

 

Para makakuha ng updates sa “Someone, Someday,” bisitahin ang someonesomeday.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 7 PHOTOS FROM THIS ARTICLE