News Releases

English | Tagalog

Bela, umani ng papuri sa natatanging pagganap sa "Blood vs Duty"

July 08, 2026 AT 06:02 PM

Matitinding aksyon at pasabog, aabangan sa huling tatlong linggo

Samu’t saring papuri ang nakuha ni Bela Padilla sa magaling na pagganap niya bilang matapang at mapaghiganting agent na nagngangalang Lara Angeles, na namaalam na sa hit primetime series ng ABS-CBN na “Blood vs Duty” sa pagpasok ng serye sa huling tatlong linggo nito. 

Ikinagulat ng mga manonood ang pagkamatay ni Lara, na minahal dahil sa katapangan at husay nito na buong-pusong ginampanan ni Bela. 

Maraming viewers sa YouTube ang nagsabing “ang galing” ng pagkakaganap ni Bela, habang ang ilan ay sinabing “heartbreaking” ang eksena ng kanyang pagkamatay.

May netizen din na pinuri ang hustisyang ibinigay ni Bela sa kanyang papel bilang isang intelligence agent sa teleserye at sinabing ang pagkakaganap niya ay tunay na “matalino, madiskarte at matapang.” 

Pinuri naman ng isa pang manonoood ang emosyong hatid ni Bela sa pagganap niya bilang isang anak na nagnanais maghiganti sa mga pumatay sa kanyang mga magulang.

Aniya “Ang galing ni Bela, kahit sa boses ay nararamdaman na ng viewers ang anguish at ang anger at pati sa mga mata niya ay ang emotions ay mapapansin rin.” 

Samantala, pagkatapos ng biglaang pagkamatay ni Lara, nagharap na sina General Carillo (Bodjie Pascua) at Ahmad Mustapha, na ginagampanan ni Robin Padilla, upang pag-usapan ang matitinding krimen na gumigimbala sa bansa. 

Magkaroon kaya ng hustisya ang pagkamatay ni Lara? Matulungan kaya nina Jalil (Gerald Anderson) at Marcus (Richard Gutierrez) si Mustapha na nanganganib ngayon ang buhay? 

Huwag palampasin ang huling tatlong linggo ng “Blood vs Duty,” 8:45 pm Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para mapanood ang “”Blood vs Duty” sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE