Nation’s girl group, magpapaindak sa Summer Sonic sa Japan ngayong Agosto
AWITING “A PARALLEL WORLD” NG BINI PARA SA “FORGOTTEN ISLAND,” ILALABAS NA NGAYONG HULYO 23
Patuloy ang BINI sa pagpapakilala ng kanilang musika sa buong mundo sa paglabas ng kantang “A Parallel World” para sa pelikulang “Forgotten Island” ngayong Huwebes (Hulyo 23).
Inilabas ng Dreamworks noong Lunes (Hulyo 20) ang teaser ng kanta sa social media na nagsasabing, “Let’s ride the tide together – ‘A Parallel World’ from Forgotten Island by @BINI_ph is coming out on Thursday 7/23 on all digital streaming platforms!”
Nakatakda na rin ang nation’s girl group na ibida ang P-pop sa tanyag na Summer Sonic festival ng Japan na sabay ipagdiriwang sa Osaka at Tokyo mula Agosto 14-16.
Sa Mountain Stage sila magpe-perform, kung saan tampok ring performers ang kilalang artists tulad nina Jennie ng Blackpink, David Byrne, Jamiroquai, Kodaline, at Suede.
Dadalhin ng grupo ang kanilang biggest P-pop hits sa Expo ‘70 Commemorative Park sa Osaka sa Agosto 14 (Biyernes).
Bibida rin ang Filipino girl group sa Tokyo leg ng festival sa Agosto 16 (Linggo) sa ZOZO Marine Stadium at Makuhari Messe.
Samantala, kamakailan ay nagningning nang todo-todo ang BINI members na sina Aiah, Colet, Gwen, Maloi, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bilang unang performer sa SM Seaside Cebu Arena para sa kanilang sold-out “Signals” World Tour – Cebu leg.
Bukod sa kanilang aabangang performances sa Japan, nakatakda na ring pumunta ang BINI sa iba’t ibang bahagi ng North America para sa kanilang “Signals” world tour sa susunod na buwan.
Makisaya sa BINI sa Summer Sonic 2026 at bisitahin ang BINIWT2026.ABS-CBN.COM para sa impormasyon tungkol sa “BINI Signals World Tour.” Para sa karagdagang updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com. Makisaya rin sa mas pinalawak na fandom ng BINI, pumunta sa WeVerse site o i-download ang app nito.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.




