Anim na awitin tungkol sa pag-ibig, pagbangon, at bagong simula
Iba’t ibang kuwento ng pag-ibig, pagtanggap sa sarili, at bagong simula ang ibinida ni singer-songwriter, host, at content creator Jazper Tiongson sa kanyang debut EP na “Mga Kabanata,” na inilabas sa ilalim ng Star Music.
Ayon kay Jazper, espesyal sa kanya ang proyektong ito dahil hango ito sa mga karanasang maraming tao ang maaaring makarelate.
“This album is the most honest I’ve ever been. I’ve spent years living these stories before finally writing and recording them. Every track represents a different season of my life, and I hope listeners find pieces of their own journey in them.”
Tampok bilang key track ang “Binabaliw,” na tungkol sa matinding pag-ibig na nararamdaman para sa isang espesyal na tao. Kabilang din sa EP ang mga awitin na “Tunay na Ikaw,” “Patinig-Ibig,” “Deck,” “Anamat,” at “Bahaghari” na isinulat ni Jazper at iprinodyus ni Adonis Tabanda.
Bago pumasok sa entertainment industry, nagtrabaho muna si Jazper sa corporate advertising. Nagbago ang takbo ng kanyang career matapos niyang makilala si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang hosting event, na naging inspirasyon niya para tuluyang sundan ang kanyang pangarap sa hosting at musika.
“I always had that aching for my passion which is hosting and music but I never had the confidence to do it. Back then, I was hosting a show where I met Pia Wurtzbach and that time I was looking for a sign if I should do this full time. After the show, I got a message from her asking if I’m open to be one of the hosts of Miss Universe Philippines,” kwento ni Jazper.
Bukod sa pagiging host at content creator, patuloy ring lumalawak ang music career ni Jazper. Noong nakaraang taon, inilabas niya ang kanyang debut single na “HELLO UNIVERSE,” isang awitin tungkol sa paniniwala sa sarili at pag-abot sa mga pangarap.
Napapakinggan ang “Mga Kabanata” EP ni Jazper sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.



