News Releases

English | Tagalog

Mga kaganapan sa SONA 2026, hatid ng ABS-CBN News special coverage sa mga Pilipino ngayong Hulyo 27

July 23, 2026 AT 04:23 PM

Mapapanood simula 3:15 PM sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live

Hatid ng ABS-CBN News sa mga Pilipino ang mga kaganapan at detelyadong diskusyon sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa live special coverage nito ngayong Hulyo 27 (Lunes) na mapapanood sa TV at online.

Pangungunahan nina Karen Davila at Alvin Elchico ang special coverage, kasama ang buong pwersa ng ABS-CBN News sa loob at labas ng Batasang Pambansa para maghatid ng balita at makabuluhang talakayan sa ikalimang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Iimbitahin din ng ABS-CBN News ang ilang eksperto, political analyst, at socio-civic leaders para talakayin ang implikasyon ng talumpati ng Pangulo sa kanyang pamamahala at ang magiging epekto nito sa estado ng bansa sa ekonomiya, pulitika, imprastraktura, soberanya, at serbisyo publiko.

Mapapanood ang special coverage ng ABS-CBN News sa paparating na SONA 2026 ngayong Hulyo 27 simula 3:15 ng hapon sa telebisyon sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at ANC. Eere rin ito online sa Kapamilya Online Live, sa digital platforms ng ABS-CBN News, ANC 24/7 YouTube channel, pati sa iWant.

Sundan ang ABS-CBN News sa FacebookXInstagram, at TikTok, at bisitahin din ang abs-cbn.com para sa iba pang nagbabagang balita patungkol sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.