Sumali sa “Tutok 2gether” para manalo ng P50,000!
Doble ang saya at doble ang panalo sa panonood ng primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 dahil pwedeng manalo ng cash prizes up to P50,000 sa pagbabalik ng “Tutok 2gether” special promo.
Todo-todo ang saya dahil mas maraming Kapamilya ang maaaring manalo sa simpleng pagtutok sa paboritong primetime shows na “TV Patrol” ng 6:30 PM, “Coco Martin’s Sigabo” ng 8 PM, at “Someone, Someday” ng 8:45 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang Biyernes.
Maaaring ma-enjoy ang promo simula Hulyo 27 hanggang Setyembre 18 kung saan magkakaroon ng 20 daily winners ng P2,000 at dalawang weekly winners ng P25,000. Mas pinalaki pa ang premyo sa “Doble Panalo” na handog kung saan ipi-flip ang lucky coin para malaman kung do-doblehin ang cash prize.
Para makasali sa exciting promo, abangan ang karakter sa lucky coin na lalabas sa alinman sa tatlong palabas na nabanggit, i-scan ang QR code o mag-log-in sa joinnow.ph para ipasa ang sagot, at kumpletuhin ang registration form para ma-secure ang entry.
Para mahanap ang ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Mas malinaw ang panonood ng Kapamilya primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, at huwag palampasin ang pagkakataon na manalo sa “Tutok 2gether.”
Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

