Magkatuwang sa pag-prodyus ng “Will You Fake Marry Me?” at bagong season ng “Sparks Camp”
Mas lalawak ang pagpipiliang Filipino feels ng mga manonood sa iWant matapos nitong makipagsanib-pwersa sa digital entertainment company na PlayTime Entertainment Corp. para magprodyus ng mga bagong programa sa Kapamilya streaming platform.
Sa partnership na ito, magkatuwang ang iWant at PlayTime Entertainment sa pag-prodyus ng mga bagong programa, tulad ng vertical rom-com serye na “Will You Fake Marry Me?” nina JM Ibarra at Fyang Smith na umeere ngayon sa streaming platform, at ang panibagong season ng reality queer-dating show na “Sparks Camp.”
Pinangunahan nina ABS-CBN Digital head Eugenio “Jamie” Lopez IV, head of iWant Jolly Estaris, at head of Content Acquisition for ABS-CBN Digital and iWant Jane Chua, kasama ang PlayTime Entertainment officials na sina chairman at president Crisanto Roy Alcid pati spokesperson nitong si Adela Mae Marshall ang naganap na contract signing nitong Hulyo 7 (Martes).
I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa iba pang updates, sundan ang iWant, the home of Filipino feels, sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



