Tampok ang mahahalagang eksena mula sa “Nurse the Dead”
Inilunsad na ni Jade Riccio sa ABS-CBN Star Music YouTube channel ang official music video ng “The Denial Song,” ang theme song ng iWant original series na “Nurse the Dead.”
Tampok sa MV ang makabagbag-damdaming performance ni Jade at ilang mahahalagang eksena mula sa supernatural comedy na unang Filipino series na kinuhanan pa sa Hollywood.
Nag-iisang Hall of Fame recipient si Jade sa 37th Aliw Awards, matapos ang kanyang limang sunod-sunod na pagkapanalo, kabilang na ang Best Classical Performer of the Year at Best Female Crossover Performer of the Year. Siya rin ang founder ng RMA Studio Academy, kung saan kabilang sa mga estudyante ang Kapamilya singer-actress Maymay Entrata.
Mula sa panulat ng “Nurse the Dead” creator na si Mark Labella ang “The Denial Song,” na naglalarawan sa pagmamahal, pighati, at paghihirap na nararamdaman sa serye.
Ang kwento ng serye na umiikot sa isang pamilyang Pilipino na nakararanas ng pagdadalamhati at dumadaan sa proseso ng paglimot ang naka-inspire sa lyrics ng kanta na nagbibigay boses sa damdamin na mahirap ipahayag.
Mula naman kay Wesley Villarica ang direksyon ng “The Denial Song” MV at iprinodyus ito ng Birns & Sawyer Studios Canada, Parallax Studios, at RMA Studio Academy.
Napapanood na ang “The Denial Song” MV sa Star Music YouTube habang patuloy na pinapalabas ang “Nurse the Dead” sa Iwant. Pinagbibidahan ito nina Jelynn Sophia Malone, alongside Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes, at Tootsie Guevara.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music PH sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, and YouTube.


