News Releases

English | Tagalog

"LUVBOMB" EP ni Jarren, mapapakinggan na simula Hulyo 23

July 16, 2026 AT 04:20 PM

May kwento ng kilig hanggang heartbreak sa 7 kanta

Panibagong music era ang sisimulan ni Jarren Garcia sa kanyang bagong R&B at soul EP na “LUVBOMB” na mapapakinggan na simula Hulyo 23 (Huwebes).

Ibinida ng singer-video jock ang ang iba’t ibang emosyon na kaakibat ng pag-ibig mula kilig hanggang heartbreak sa pitong awitin ng EP na “Gotchu,” “Pinaka Pretty,” “Tatapatin,” “APK (Ang Pahinga Ko),” “Pinili Kita, Pero,” at English at Taglish version ng “Runaway.” 

Tampok bilang key track nito ang “Runaway,” na tungkol sa dalawang taong paulit-ulit na bumabalik sa isa’t isa kahit alam nilang maaaring wala na silang patutunguhan.

Bago pa man makilala bilang housemate sa “Pinoy Big Brother: Gen 11” at MYX VJ ngayon, unang ipinakita ni Jarren ang kanyang talento bilang contestant sa “The Voice UK” noong 13 taong gulang pa lamang siya. Noong 2025, inilabas ng Kapamilya singer ang self-titled debut album na umani ng mahigit 2.5 milyong streams kung saan tampok ang singles na “Make It Make Sense” at “Gimme Gimme Gimme.”

Ipinagdiwang ni Jarren ang album kasama ang kanyang fans sa sold-out “That Boy Jarren Album Launch and Fan Meet” na naganap sa SM North Edsa Skydome. Napapanood si Jarren bilang isa sa performers ng “ASAP XP.”

Mapapakinggan ang “LUVBOMB” EP ni Jarren sa digital streaming platforms simula Hulyo 23 (Huwebes). Para sa ibang detalye, sundan si Jarren sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"LUVBOMB" EP ni Jarren, mapapakinggan na simula Hulyo 23