Mapapanood na ang Part 1 episodes sa iWant
Patok na patok ang pakilig nina JM Ibarra at Fyang Smith sa bago nilang vertical rom-com series na “Will You Fake Marry Me?” na patuloy na nangunguna sa most-watched charts ng iWant magmula nang ipalabas ang Part 1 nito noong Hunyo 30.
Bukod sa pangunguna nito sa iWant, pumatok din ang serye sa social media nang makapagtala rin ng higit 31 milyong views ang unang limang episode nito sa Facebook, TikTok, pati YouTube.
Sa direksyon ni Jojo Saguin, iikot ang serye kay June (Fyang), isang tocino promoter na magpapanggap na engaged sa CEO ng naturang brand na si Ping (JM) upang makuha ang pamanang iniwan ng kanyang yumaong kamag-anak. Sa kabila ng hamong mapatunayang tunay ang kanilang pag-iibigan para maibigay ang pamana, kinalaunan ay magiging totoo ang nadaramang kilig at pagmamahal sa isa’t isa.
Ang short serye na “Will You Fake Marry Me?” na co-produced din ng Playtime Entertainment ay ang bagong adisyon sa hanay ng vertical dramas ng iWant, kasunod ng “The Chambermaid’s Daughter” at “Twist of Fate.”
Palabas na sa iWant ang Part 1 episodes ng “Will You Fake Marry Me?” habang aabangan naman ang Part 2 nito simula Hulyo 15. Mapapanood pa rin nang libre ang unang limang episode nito sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

