‘Ang Alamat sa Aksyon,’ ‘di nagpahuli sa mahalagang papel na ginampanan
Tuluyan nang namaalam ang karakter na ginagampanan ni Robin Padilla bilang Ahmad Mustapha sa “Blood vs Duty,” na hudyat para umarangkada ang planong destabilisasyon sa gobyerno.
Ang presidential chief of staff at kakampi ni Jalil (Gerald Anderson) ang siyang huling biktima ng mastermind na si General Manuel Carillo pagkatapos ng kanilang harapan na nauwi sa kanyang pagkamatay.
Tumatak ang karakter ni Robin bilang Muslim sa teleserye dahil na rin sa authenticity na ipinamalas niya. Sa pamamagitan ng kanyang natatanging pagganap, nakatulong siyang palawakin ang representasyon ng mga Muslim sa telebisyon, lampas sa mga nakasanayan o stereotype.
Nagpahayag ng pagpapasalamat ang veteran star sa ABS-CBN para sa oportunidad na ito noong nagsimula siyang mapanood sa programa.
“Ako po ay nagpapasalamat ng buong puso sa balanseng paglalahad sa istorya patungkol sa buhay ng mga kababayan ninyong mga Filipino Muslim. Ang malinaw na pagpapakita ng aming pananampalatayang Islam ay ginintuan sa aming mga mata, ganon din ang mga tradisyong katutubo ng mga tribo patungkol sa pamilya at komunidad ay kayamanan ng ating bayan sapagkat isa itong kaalaman ng pangkalahatan at magbibigay ito ng malawakang pagkakaintindihan tungo sa inaasam nating kapayapaan sa ating bansa,” sabi niya.
Nagustuhan ng mga manonood ang naging comeback TV project ni Robin kung saan napanood muli siya sa larangan ng aksyon.
“Grabe, walang kupas, magaling pa rin si Senator Robin Padilla. Super idol,” sabi ng isang viewer sa YouTube. “Muli na naman nating mapanood ang galawang Robin Padilla,” post pa ng isang netizen.
Ikinatuwa rin ng iba ang aksyon na hatid ni Robin kasama ang “Blood vs Duty” lead actors na sina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
“Wow ang mga action star nagsama!,” post ng isang online viewer.
Huwag palampasin ang aksyon at mga iba pang sikretong mabubunyag sa “Blood vs Duty,” Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 8:45pm. Ipinapalabas din ito on demand sa Netflix at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Blood vs Duty,” bisitahin ang bloodvsduty.abs-cbn.com at sundan ang JRB Creative Production sa Facebook, X (Twitter) (@JRBcreativeprod), Instagram (@JRBcreativeproduction), at TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at Tiktok o bisitahin ang https://corporate.abs-cbn.com/newsroom/news-releases.

