Kathryn, empowered na babae sa feel-good serye
Inilabas na ng ABS-CBN ang special teaser tampok si Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa inaabangang seryeng “Someone, Someday” na mapapanood na sa primetime ngayong Hulyo 27.
Isa na namang kapanapanabik na karakter ang gagampanan ni Kathryn bilang empowered na babae sa isang feel-good na serye.
Ipinasilip sa teaser ang karakter ni Kathryn bilang ang best na ate, boss, at best friend. Nagpatikim din ng ilang mga dapat abangan na eksena ni Kathryn kasama ang mga co-star na sina James Reid at Maja Salvador.
Pinagbibidahan din ito nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at kasama si Migs Casimiro.
Abangan ang “Someone, Someday” sa primetime ngayong Hulyo 27 sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Magiging available rin ang serye sa iWant at una itong mapapanood sa Netflix.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.




