News Releases

English | Tagalog

WRIVE, ipinagdiwang ang "Unang Taon" sa sold-out fan event

July 30, 2026 AT 12:53 AM

Bersyon nila ng “Sumayaw Ka” ni Gloc-9, malapit nang mapakinggan 

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng rising Kapamilya P-pop group na WRIVE sa sold-out fan event na “WRIVE: Unang Taon” na dinaluhan ng Arrows–ang tawag sa kanilang fans–at napuno ng musika, palaro, at pasasalamat. 

“Reaching our first anniversary is an incredible milestone, and we owe it to every Arrow who has believed in and supported us from the very beginning,” sabi ng five-member group na kinabibilangan nina Asi, Drei, Ishiro, Mathew, at Russu. 

Inawit ng WRIVE ang kanilang pre-debut original track na  “Hollywood” at pinaibig ang fans sa performance nila ng “Panaginip Na Lang” bago maghandog ng masayang mash-up ng kanilang mga awitin na ikinatuwa ng Arrows na nanggaling pa sa abroad at iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. 

Tampok din sa selebrasyon ang pag-awit nila Drei at Ishi ng “Worth It” ng CxM at performance nina Asi, Mathew, at Russu ng “Bagsakan” ng Parokya ni Edgar na parehong ikinasaya ng crowd. 

Nagtrending din ang WRIVE sa X sa kanilang anniversary week dahil sa suporta ng Arrows gamit ang hashtags na WE ARR1VE NOW, OohLaWRIVE SA SHOWTIME, at WRIVE UnangTaon LIVE.  

Opisyal na pinasok ng grupo ang industriya sa kanilang debut noong Hulyo 2025 at inilunsad ang kanilang self-titled debut album noong Enero, na ngayon ay umani na ng mahigit sa 730,000 all-time streams. 

Nakatakda naman nilang ilabas ang remake nila ng “Sumayaw Ka” ni Gloc-9 sa Agosto. Mapapanood din sila sa Star Magic All-Star Games sa Agosto 23 sa SM Mall of Asia Arena. 

Para sa ibang detalye, sundan ang WRIVE sa Facebook, X, Instagram, at TikTok. Para sa updates, i-follow ang Star Music sa Facebook, X , Instagram, TikTok, at YouTube.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE