News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, nag-uwi ng bigating parangal sa FAMAS Broadcast Awards

July 24, 2026 AT 08:04 PM

ABS-CBN bagged multiple awards, including top honors for Coco Martin, Vice Ganda, and the Charo Santos-Concio-led anthology “Maalaala Mo Kaya," at the first-ever Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Broadcast Awards.

“FPJ’s Batang Quiapo,” “It’s Showtime,” at “MMK,” wagi!

Tumanggap ng pagkilala ang mga bigating palabas at personalidad ng ABS-CBN, kabilang sina Coco Martin, Vice Ganda, at ang programa ni Charo Santos-Concio, sa kauna-unahang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Broadcast Awards.

Nasungkit ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang Best Series at Best Screenplay (Series and Anthology) na parangal, habang kinilala naman ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin bilang Best Director (Series and Anthology). Panalo rin ang beteranong actor at direktor na si Joel Lamangan ng Best Supporting Performer (Series and Anthology) para sa kanyang pagganap bilang Roda sa nabanggit na serye.

Kinilala naman ang patok na noontime show na “It’s Showtime” ng Best Variety Show, habang pinarangalan si Unkabogable star Vice Ganda ng Best Host for Entertainment.

Nagwagi rin ang “Maalaala Mo Kaya” ni Charo Santos-Concio, ang pinakamahabang drama anthology na serye sa bansa, ng Best Anthology.

Sa larangan ng pagbabalita, naiuwi ng “The World Tonight,” na pinangungunahan ni Tony Velasquez, ang Best News Program na pagkilala.

Samantala, wagi naman ang content creator na si Ivana Alawi, isa sa mga bida ng seryeng “Love Is Never Gone,” ng Best Public Service Show at Best Host for Public Service na mga parangal.

Ang FAMAS Broadcast Awards ay nagbibigay-pugay sa mga huwarang palabas at personalidad sa larangan ng telebisyon sa bansa.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

ABS-CBN, nag-uwi ng bigating parangal sa FAMAS Broadcast Awards