News Releases

English | Tagalog

Alexa at Gelo, itotodo ang kilig sa bagong season ng "The Chambermaid's Daughter" sa iWant

July 24, 2026 AT 04:32 PM

Mapapanood ngayong Hulyo 30 sa iWant

Balik-pakilig ang tambalan nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera sa panibagong season ng kanilang hit vertical romance serye na “The Chambermaid’s Daughter” na mapapanood simula Hulyo 30 (Huwebes) sa iWant.

Pumatok sa mga manonood ang short serye matapos nitong mapabilang sa most-watched shows ng iWant at umani ng milyon-milyong views sa social media ang ilang episodes nito.

Sa direksyon muli ni Theodore Boborol, iikot ang bagong season nito sa pag-asenso ni Hannah (Alexa) na noo’y room attendant ay VP of operations na ng hotel na kanyang pinagsisilbihan. Sa kabila ng dagsang biyaya sa kanyang pamilya at pag-ibig, haharap si Hannah sa panibagong dagok nang kailangan niyang patunayan ang sarili sa magiging biyenan at kinakapatid niya na maging karapat-dapat na tagapagmana ng hotel business at kasintahan ng COO nitong si Daniel (Gelo).

Ang “The Chambermaid’s Daughter” ay ang kauna-unahang vertical serye na ipinorodyus ng ABS-CBN Studios. Kabilang din ito sa lumalawak na vertical drama lineup ng iWant, kahilera ng hit rom-com short serye na “Will You Fake Marry Me?” ng tambalang JMFyang, at ang affair drama nitong “Twist of Fate.”

Mapapanood sa iWant ang bagong season ng “The Chambermaid’s Daughter” simula Hulyo 30 para sa Part 1 episodes nito, habang aabangan din ang Part 2 nito sa Agosto 14 (Biyernes). Libre pa ring mapapanood ang unang limang episode nito sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.

Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Hulyo 31, 2026) at iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

Alexa at Gelo, itotodo ang kilig sa bagong season ng "The Chambermaid's Daughter" sa iWant