News Releases

English | Tagalog

"Oohh Lala Baby" ng Baby Dolls, nanguna sa YouTube Music chart

July 17, 2026 AT 10:51 PM

Viral dance anthem, patok sa madlang people

Isa na namang milestone ang naabot ng Kapamilya girl group na Baby Dolls matapos manguna ang kanilang viral hit na “Oohh Lala Baby” sa YouTube Trending for Music kasabay ng pagdiriwang ng Grand Baby Dolls Day sa “It’s Showtime.”

Patuloy na lumalakas ang hatak ng grupo sa tagumpay ng kanilang magkasunod na viral hits na “Oohh Lala Baby” at “Ikembot Mo,” na paborito na ng maraming music fans at netizens.

Bilang pasasalamat, sinabi ng grupo, “Sobrang saya at thankful kami sa pagmamahal na ibinibigay ninyo sa ‘Oohh Lala Baby’ at ‘Ikembot Mo.’ Hindi namin maabot itong lahat ng milestones na ito kung hindi dahil sa suporta ninyo. Maraming salamat po sa inyong lahat!”

Umabot na sa mahigit 3.3 million views ang music video ng “Oohh Lala Baby” sa YouTube, habang mayroon na itong 9 million views sa lyric video. Patok na patok din ang kanta sa TikTok na may mahigit 6.6 million posts gamit ang official sound nito. Sa Spotify naman, mayroon na itong 4.2 million streams at tampok sa OPM Rising playlist.

Featured din ang Baby Dolls sa cover ng Spotify Viral Hits Philippines playlist, kung saan nasa ikatlong puwesto ang “Oohh Lala Baby.” Mayroon na rin silang halos 1 million monthly listeners sa Spotify.

Patuloy rin ang magandang takbo ng “Ikembot Mo,” na mayroon nang mahigit 4.2 million views sa YouTube, 2.4 million TikTok posts, at 2.2 million streams sa Spotify.

Samantala, umabot na sa halos 7 million streams ang debut EP nilang “Zoom Baby Dolls,” habang pinagsama-samang 13.5 million views na ang lyric videos nito sa YouTube.

Available ang “Zoom Baby Dolls” EP sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang Baby Dolls sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE