News Releases

English | Tagalog

BINI at OPM royalties, pupunuin ng selebrasyon ang “ASAP XP” ngayong Linggo

July 24, 2026 AT 11:36 PM

Sunod-sunod na bonggang performance ang mapapanood sa “ASAP XP” sa pangunguna ng Nation’s girl group BINI at OPM royalties ngayong Linggo (July 26), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.

 

Pasabog na galing at talento ang hatid ng BINI sa kanilang pangmalakasang opening number kasama sina Martin Nieverra, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Robi Domingo, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Carmelle Collado, AC Bonifacio, Sofronio Vasquez, Jona, Klarisse De Guzman, Jason Dy, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jeremy Glinoga, Khimo Gumatay, pati na ang MNRVS Ignite, Legit Status, at G-Force. 

 

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa pasabog na biritan ng new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang De Torres, Carmelle, at Elha Nympha, kasama ang power diva na si Angeline. 

 

Malupit na energy ang mararamdaman ng manonood sa sayawan at kantahan na dala nina Darren at Kyle. 

 

Sunod-sunod na pakulo rin ang dala nina Maymay Entrata, Jane De Leon, Francine Diaz, Fyang Smith, AC Bonifacio, at Gela Atayde, kasama ang G-Force.

 

Damhin naman ang kilig na dala ng Kapamilya love teams na sina Kai at Kyle, JM Ibarra at Fyang, Alexa at Gelo Rivera, at Francine at Seth Fedelin.

 

Walang bibitaw dahil punong-puno rin ng kasiyahan ang kantahan nina Regine, Marko Rudio, JM Yosures, Khimo, at Reiven Umali.

 

Tuloy-tuloy ang party ngayong Linggo sa handog na pasabog na finale ng lahat ng Kapamilya stars.

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Martin, Robi, Darren, at Alexa.

 

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom