News Releases

English | Tagalog

Season finale ng "Nurse the Dead" mapapanood na sa iWant

July 31, 2026 AT 09:06 PM

Noa at Tess, haharapin ang kinatatakutan

Mas titindi ang tawanan, takutan, at drama sa season finale ng supernatural-comedy serye na “Nurse the Dead” na napapanood ngayon sa iWant.

Sa pagtatapos ng unang season ng kauna-unahang Pinoy serye na kinunan pa sa Hollywood, lubos ang pasasalamat ng direktor at creator nitong si Mark Labella sa mga patuloy na sumubaybay at sa mga papuring natanggap nito.

Aniya, “I was on the frontlines during the pandemic. And I knew, for the longest time, that I wanted to write a show on Filipino nurses… I wanted to ensure that my goal is to put Filipino faces and stories in Hollywood. This is our best chance to do it because this series speaks to us all Filipinos.”

Ibinahagi naman ng bida nitong si Jelynn Malone ang kanyang galak na mapabilang sa serye at magbigay buhay sa karakter ni Noa, na sumasalamin din sa mga sakripisyong dinanas ng mga Pinoy nurse abroad, tulad din ng kanyang kaanak na nagsilbi overseas.

“This is the greatest honor of my life to be able to play this role. I get to represent so many Filipinos. This has been a love letter for me to thank and honor my dad’s sister. If it weren’t for her, we wouldn’t have this life,” saad ni Jelynn.

Bukod kay Jelynn, tampok din sa “Nurse the Dead” ang Filipino talents na sina Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes, at Tootsie Guevara.

Aabangan sa season finale ang kinakatakot ni Noa na sunduin na ang kaluluwa ng kanyang namayapang ina na si Tess (Gigette). Sa kabila ng pagpapalawig ng oras ni Tess na mamalagi ang kanyang kaluluwa sa mundong ibabaw, labas na sa kamay ni Grim (Anthony) ang pagsundo sa kanya dahil ang mismong boss niyang si Archangel ang siyang pilit na magtutuloy ng kanyang tungkulin.

Bago ang season finale nito, nagkaroon din ng red carpet screening ang programa para sa mga taga-Calgary City sa Alberta, Canada. Umani naman ang serye ng mga papuri mula sa mga dumalo para sa kalidad ng produksyon, pati ang kwento nitong sumasalamin sa mga pinagdaraanan ng mga OFW.

Mapapanood na ang season finale episode ng “Nurse the Dead” sa iWant sa pamamagitan ng subscription plan nito na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa US* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at para sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.