News Releases

English | Tagalog

Jarren, all out sa pag-ibig sa "LUVBOMB" EP; "Runaway" MV, inilunsad na

July 24, 2026 AT 10:17 PM

Fans club ni Jarren, naglunsad ng libreng sakay tampok ang mga bagong kanta

Ibinida ni Jarren Garcia ang buong pusong pagmamahal sa kanyang unang EP na “LUVBOMB” at sa music video para sa lead single nito na “Runaway” Taglish version.

“It’s about pouring all your love and effort into that one person. I’ve poured my heart and soul into making this EP. I can confidently say this music is more me — it’s more Jarren,” saad niya.

Nagsisilbing key track ng kanyang unang EP ang “Runaway,” na may English at Taglish versions. Ang bagong music video ay para sa Taglish version habang may lyric visualizer naman ang English version na napapanood sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Ayon sa singer-video jock, swak ang awitin dahil sa international appeal nito habang nananatiling relatable para sa Filipino listeners.

“I also want to connect with the Filipino listeners that’s why most of the songs are mainly Tagalog. We chose ‘Runaway’ as the key song because it has that international sound and making it Tagalog also helps stick to the OPM side of it,” dagdag ni Jarren.

Bago ang “Runaway,” inilunsad ni Jarren ang singles na “GOTCHU” at “Pinaka Pretty” na sumasalamin sa kanyang R&B sound. Tampok din sa EP ang mga awitin na “Tatapatin,” “APK (Ang Pahinga Ko),” at “Pinili Kita, Pero. 

Samantala, naglunsad ang fans club ni Jarren ng libreng sakay sa Metro Manila sa pagdiriwang nila ng ikalawang taon. Apat na modernong jeep ang naglibot para maghatid ng libreng sakay habang tinutugtog ang mga bagong awitin ni Jarren kahapon (Hulyo 23) bilang suporta sa bagong proyekto ng kanilang iniidolo.

Napapakinggan ang “LUVBOMB” EP ni Jarren sa iba’t ibang digital streaming platforms at napapanood ang “Runaway” MV sa ABS-CBN Star Music YouTube. Para sa ibang detalye, sundan si Jarren sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE