“Pink era” ni Maki nagpapatuloy sa pagsugal sa pag-ibig
Pangmalakasang kolaborasyon ang hatid nina Maki at James Reid sa kanilang bagong awitin na “luck.”
Inihahalintulad ng alternative indie-pop song ang pag-ibig sa isang sugal—walang kasiguraduhan ang kahihinatnan nito. Ipinapakita nito na ang pinakamagagandang kuwento ng pag-ibig ay nagsisimula sa isang matapang na desisyon.
Kasama ni Maki sa pagsulat ng “luck” ang top international songwriters at producers na sina Gaby Ramirez, Pontus Kalm, Greg Shilling, at Shintaro Yasuda na nakapag-compose para sa global artists gaya nina Ariana Grande, BTS, LE SSERAFIM, aespa, at BINI.
Ipinagpapatuloy ng latest music release ng Tarsier Records ang “pink era” ni Maki na sinimulan niya sa nakaraang single na “habangbuhay pansamantala.”
Kamakailan lang ay dinala ni Maki ang kanyang “KOLORCOASTER” concert tour sa Indonesia at Singapore, kung saan inawit niya ang hit songs tulad ng “Dilaw,” “Namumula,” at “kahel na langit.” Nag-guest din siya sa sikat na Indonesian comedy program na “Lapor Pak!” kung saan ipinakita niya ang kanyang husay sa pagpapatawa at aktingan sa international audience.
Samantala, patuloy ring ipinapakita ni James Reid ang kanyang music style sa pagsasama ng alternative pop, R&B, at modern OPM sa kanyang mga awitin. Sa mahigit isang dekada sa industriya, nakilala siya sa kanyang creative vision at evolving sound. Nitong Mayo ay inilabas niya ang single na “Richest Man Alive,” at kasalukuyan din siyang napapanood sa ABS-CBN primetimes series na “Someone, Someday.”
Napapakinggan ang “luck” nina Maki at James Reid sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



