News Releases

English | Tagalog

Maymay, proud umibig sa bagong single na "What We Love"

July 10, 2026 AT 05:58 PM

Bagong MV tampok ang real life partner na si Joaquin

Makikitang in love talaga ang Kapamilya singer-actress na si Maymay Entrata sa kanyang bagong music video para sa single na “What We Love” tampok ang real life partner na si Joaquin Enriquez.

Makikita sa MV ang sweet at simpleng getaway nina Maymay at Joaquin na nagbibigay-buhay sa mensahe ng kanta na patuloy na pagipili sa pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok.

“This song is for the memories that still make you smile, the moments that still feel like home, and the kind of love that stays. Because with the right person, love is something you choose every single day,” saad ni Maymay sa social media.

Isinulat niya ang dance-pop track katulong sina Nhiko Sabiniano, Trisha Denise, at Greg Shilling. Ipe-perform ni Maymay nang live ang “What We Love” sa Barrio Fiesta Caravan 2026 sa Birmingham, UK sa Hulyo 12 at sa “ASAP Australia” sa Hulyo 25.

Matapos ang tagumpay ng kanyang empowering hits na “AMAKABOGERA,” “Puede Ba,” “Tsada Mahigugma,” “Paradise,” at “Masunog Man,” patuloy na ipinapakita ni Maymay ang kanyang evolution bilang singer-songwriter sa pamamagitan ng mga kantang personal at relatable sa listeners. 

Patuloy rin siyang gumagawa ng pangalan sa international scene. Noong 2023, tampok si Maymay sa Spotify EQUAL billboard sa Times Square, New York at na-feature din ng Recording Academy sa original series nitong “It Goes to 11.” Noong 2024, nag-debut siya sa Paris Fashion Week, kung saan inawit niya ang English version ng “AMAKABOGERA” habang rumarampa sa runway.

Lalo pang lumawak ang kanyang global reach nang piliin siya ng Disney Southeast Asia upang awitin ang “Nasaan ang Hiling” mula sa OST ng “Snow White.” Naging guest mentor din siya sa “Dream Maker,” at naging nominee para sa Best Asia Act sa 2022 MTV Europe Music Awards. Gumawa rin ng kasaysayan si Maymay bilang unang Filipina na rumampa sa Arab Fashion Week at patuloy na ipinagmamalaki ang talento ng mga Pilipino sa international stage.

Napapakinggan ang “What We Love” ni Maymay sa iba’t ibang digital streaming platforms at mapapanood ang official music video nito sa YouTube. Para sa karagdagang detalye, sundan si Maymay sa Facebook, Instagram, X, Spotify, TikTok, at YouTube



Maymay, proud umibig sa bagong single na "What We Love"