Isa rin sa most-watched iWant originals abroad
Mainit din ang pagtanggap abroad ng supernatural-comedy series ng iWant na “Nurse the Dead” matapos nitong umani ng papuri mula sa Filipino community para sa representasyon nito sa mga Pinoy nurse na nagsasakripisyo abroad.

Para sa dating alkalde at ngayo’y council member ng Daly City, California na si Juslyn Manalo, naging tulay ang “Nurse the Dead” para mas mabigyang pansin ang pagsisikap ng mga Pinoy nurse abroad habang itinatampok din ang kulturang Pilipino at mga pamanang aral nito sa global stage.
Aniya, “It is long overdue to have more representation on the screen. With Filipino nurses at the forefront of healthcare, ‘Nurse the Dead’ centers the narrative around our unsung heroes and heroines. With Daly City having one of the highest concentrations of Filipinos, it gives us pride to premiere this in Northern California.”
Samantala, patuloy rin itong umaani ng mataas na viewership at napapabilang sa most-watched originals ng iWant hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa US, Canada, at Australia magmula nang una itong ipalabas noong Hunyo 12 sa Kapamilya streaming platform.

Ang “Nurse the Dead” ay ang kauna-unahang Pinoy show na kinunan pa sa Hollywood na idinerehe ng award-winning filmmaker at screenwriter na si Mark Labella. Pinagbibidahan naman ito ng Fil-Am aktres at host na si Jelynn Sophia Malone, kasama sina Anthony Jennings, Princess Punzalan, Ruby Rodriguez, Gigette Reyes, at Tootsie Guevara.
Mapapanood ang bagong episodes ng “Nurse the Dead” tuwing Biyernes sa iWant sa pamamagitan ng subscription plan nito na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 kada buwan para sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

